EPEKTO NG 100% ONLINE CLASS SA KOLEHIYO IBINABALA SA CHED


 

Pinaalalahanan ni Senator Pia Cayetano ang Commission on Higher Education (CHED) kaugnay ng polisiya nito na nagpapahintulot sa mga higher education institutions (HEIs) na pansamantalang magpatupad ng 100 porsiyentong online classes sa gitna ng krisis sa langis at enerhiya.

 

Sa ilalim ng Memorandum from the Office of the Chairperson No. 117, s. 2026 pinapayagan ang mga HEI na magpatupad ng full online delivery, maliban sa laboratory at skill-based classes na mananatiling onsite o daraan sa angkop na alternative modalities.

 

Bagama’t layon aniya ng polisiya na tiyakin ang learning continuity at makatulong sa energy conservation efforts, dapat pa ring pag-aralang mabuti ang posibleng pangmatagalang epekto nito sa pagkatuto ng mga estudyante.

 

Ayon sa senadora, nananatiling seryosong suliranin ang learning gaps sa education system ng bansa, kaya sa anumang pagbabago sa learning modality ay dapat munang matiyak na tunay na natututo ang mga estudyante.

 

Maliban dito, maaari rin aniyang unti-unting maging normal ang isang polisiyang dapat sana’y pansamantala lamang.

 

Iginiit ni Cayetano na mahalaga pa rin ang face-to-face learning hindi lamang para sa academic outcomes kundi maging sa disiplina, engagement, at kabuuang development ng mga estudyante.

 

Dahil dito hinimok nya rin ang CHED at lahat ng HEIs na magtakda ng malinaw na benchmarks, measurable learning outcome indicators, at tiyak na review timeline upang matiyak na mananatili itong isang emergency measure at hindi tahimik na magiging bagong pamantayan.

 

✍ TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito