Magdamag na
inatake ng Russia ang Ukraine ng daan-daang mga drone at tatlong ballistic
missiles, ayon sa mga opisyal ng Ukraine.
Sinasabing
target ng pag-atake ang imprastrakturang daungan sa may timog.
Bagama’t
na-neutralised ng air defense ng Ukraine ang 309 drones, nakalusot pa rin ang
mga missiles at 13 drones na tumama sa siyam na lokasyon.
Nagtala naman
ito ng isang patay at humigit-kumulang pitong katao ang nasugatan mula sa
insidente.
Gayundin, ilang
mga establisyemento at gusali ang napinsala mula sap ag-atake ng Russia.
Samantala,
tuloy pa rin ang operasyon ng mga daungan sa naturang bansa sa kabila ng ilang
mga pag-atake.

0 Mga Komento