Hindi tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa
Pilipinas hanggang Abril 30, ayon sa anunsyo ng Department of Trade and
Industry (DTI).
Pinalawig ng dalawang linggo ang pagpapatupad ng “no price
increase” sa mga bilihin sa bansa dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East na
nagdulot ng pagtaas ng presyo ng langis sa Pilipinas.
Sa naunang desisyon ng mga manufacturer, hanggang Abril 16
lamang sana mananatili ang kasalukuyang presyo ng mga pangunahing bilihin,
ngunit napagdesisyunan nilang palawigin ito hanggang Abril 30.
Ayon sa DTI, nais ng mga manufacturer na makatulong sa mga
mamimili.
Ipinahayag din ng DTI na sapat pa ang suplay ng mga produkto
sa mga supermarket, batay sa isinagawang inventory ng mga manufacturer.
✍️ TERESA IGUID
0 Mga Komento