Isang
kakaibang insidente sa silangang bahagi ng India ang naging viral kamakailan
matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang lalaki na buhat-buhat ang
labi ng kaniyang kapatid patungo sa isang bangko.
Ayon sa mga
ulat mula sa lokal na media, ang 52-anyos na lalaki ay umano’y napilitang
hukayin ang mga labi ng kaniyang kapatid matapos siyang paulit-ulit na mabigong
makuha ang perang naiwan nito sa bangko.
Ilang beses
daw siyang nagtungo sa nasabing bangko upang mag-withdraw, ngunit hindi ito
pinahintulutan dahil sa kakulangan ng opisyal na dokumento na magpapatunay sa
pagkamatay ng kaniyang kapatid.
Dahil dito,
nagpasya umano ang lalaki na dalhin ang labi ng kapatid bilang patunay, isang
hakbang na ikinagulat ng mga empleyado at costumer ng bangko.
Agad namang
kumalat ang larawan ng insidente online, na nagdulot ng matinding reaksiyon
mula sa publiko.
Samantala,
itinanggi ng pamunuan ng bangko ang paratang na pinahirapan nila ang lalaki. Sa
kanilang pahayag, sinabi nilang sumusunod lamang sila sa umiiral na proseso at
kinakailangan ang legal na dokumentasyon, tulad ng death certificate, bago
pahintulutang ma-withdraw ang pera ng isang namatay na kliyente.
Patuloy
namang pinag-uusapan ang insidente, na nagbukas ng diskusyon tungkol sa
kahalagahan ng maayos na proseso sa mga institusyon at ang mga hamong
kinahaharap ng mga ordinaryong mamamayan sa pagkuha ng serbisyong pinansyal.
0 Mga Komento