Inaasahan ang pagtaas ng presyo sa ilang pangunahing bilihin
simula Abril 1 matapos mag-anunsyo ang ilang manufacturers ng price adjustments
bunsod ng pagmahal ng langis kaugnay ng tensyon sa Middle East.
Ayon sa Pangulo ng Philippine Amalgamated Supermarkets
Association Inc., na si Steven Cua, iilan pa lamang ang nagpatupad ng pagtaas
ng presyo.
Kabilang sa mga produktong maaapektuhan ang pasta, noodles,
de-lata, kendi, at bottled water, habang ang ilan ay inaasahang magkakaroon
naman ng mas malaking dagdag-presyo.
Ayon kay Cua maaaring umabot sa 10% ang itataas ng presyo at
posibleng ipatupad ito nang paunti-unti depende sa galaw ng merkado at reaksyon
ng mga mamimili.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento