Libu-libong mga pasahero sa pantalan ang nailista ng
Philippine Coast Guard (PCG) sa ibat-ibang pantalan para sa Oplan Biyaheng
Ayos: Semana Santa 2026.
Nabatid na nitong Marso 28 ng umaga, nasa 18,470 na ang mga
outbound passengers habang 17,101 inbound passengers, base sa ulat ng PCG.
Mayroon ding 3,579 outbound na rolling cargoes at 4,852
inbound na rolling cargoes.
Napag-alaman na ang Coast Guard District Southern Tagalog
ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng pasahero, na may 5,183 outbound at
5,344 inbound na pasahero sa panahon ng monitoring.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento