Binitay ng
Iran ang isang Swedish na indibidwal noong March 18 matapos itong mapatunayang
espiya ng Israel.
Ayon sa
kanilang Foreign Ministry, inaresto ang hindi pinangalanang Swedish citizen
noong June 2025.
Ginawa ang
pagbitay sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon at alitan sa pagitan ng Iran,
Israel, at ng Estados Unidos.
Sa hiwalay na
pahayag, sinabi ng Iran na nakipagpulong umano ang naturang lalaki sa mga
ahente ng Mossad, ang intelligence agency ng Israel.
Ayon pa sa
ulat, sumailalim umano siya sa pagsasanay sa anim na bansa sa Europe at sa Tel
Aviv.
Nauna na rin
siyang inakusahan ng pagpapasa ng mga larawan at impormasyon tungkol sa mga
sensitibong lokasyon sa mga opisyal ng Mossad.

0 Mga Komento