Nagpatupad na
ng mandatory fuel rationing system ang Sri Lanka upang maiwasan ang hoarding at
ilegal na pagbili ng sobrang gasolina.
Ayon sa ulat,
gumagamit na ng QR-based fuel quota system ang buong bansa ng Sri Lanka dahil
sa mga naiulat na pang-aabuso ng ilang motorista sa pagbili ng langis sa ma
gasolinahan.
Sa ilalim ng
naturang sistema, mayroon nang mga nakatakdang quota kada linggo ang mga
sasakyan at motorsiklo sa pagbili ng langis.
Lilimitahan
ang mga bus na mag-refill ng produktong petrolyo ng hanggang 60 liters habang
15 liters naman ang pupwedeng ipakarga sa mga kotse at tricycle.
Ang naturang
konsepto ay naglalayong mapanatili ang sapat na suplay ng langis at pantay-pantay
na pamamahagi sa mga motorista sa kabila ng nangyayaring tensyon sa Middle
East.

0 Mga Komento