May
inaasahang 250,000 hanggang 300,000 na barrel na diesel ang darating sa bansa
sa susunod na linggo.
Kinumpirma
ito ng Department of Energy (DOE) habang hindi naman binanggit kung saang bansa
sa Southeast Asia sila nag-order.
Ayon kay Energy
Secretary Sharon Garin, patuloy ang paghahanap ng gobyerno sa iba pang mapagkukunan
ng langis sa pamamagitan ng government-to-government scheme.
Bagama’t
maliit ito kumpara sa mga pang-araw-araw na gamit sa Pilipinas at tatagal
lamang ng hanggang dalawang araw na suplay, siniguro ng DOE na patuloy ang kanilang
paghahanap ng iba pang mapagkukunan upang masakop ang suplay sa Mayo.
Samantala, batay sa unang
tatlong araw ng kalakalan sa pandaigdigang pamilihan, tataas muli ang presyo ng
gasolina sa susunod na linggo:
Diesel- P7.00/litro
Gasolina- P5.00/litro
Kerosene- P10.00/litro

0 Mga Komento