SSS PINAGAARALAN ANG LOAN MORATORIUM, PENALTY RELIEF

 

 

Pinag-aaralan ngayon ng Social Security System (SSS) ang posibleng implementasyon ng loan moratorium at penalty condonation proram na layong mapagaan ang financial pressure sa mga miyembro at employers ngayong may suliranin sa ekonomiya.

 

Sa isang pahayag sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph de Claro ang isinusulong na hakbang ay naglalayong magbigay ng agarang relief at tulong upang masigurong patuloy na ma-access ang mga benepisyo habang naghahanap ng paraan ang gobyerno para maresolba ang economic impact sa tumataas na presyo ng langis.

 

Sa ilalim ng proposal, kinokonsidera ng SSS na mapayagan ang miyembro sa temporaryong pag-defer sa kanilang loan, habang ang mga employers naman ay bibigyan ng condonation sa mga penalties sa delayed na kontribusyon.

 

Sa ngayon patuloy naman ang pag-evaluate sa extension ng contribution payment deadlines para sa mga employers at individual paying na miyembro para mabigayan ng dagdag na flexibility.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito