Muling nanawagan si Senador Bam Aquino sa pamahalaan na
pormal na magdeklara ng price freeze sa lahat ng pangunahing bilihin at
essential goods.
Ito ay layong makatutulong upang maprotektahan ang publiko
laban sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sanhi ng krisis sa
Middle East.
Nabatid na sa isinagawang pagdinig ng Proactive Response and
Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) Committee,
kinumpirma ng mga ahensya ng pamahalaan ang naunang pahayag ni Aquino na price
monitoring lamang — at hindi price freeze — ang nakapaloob sa Executive Order
No. 110 ni Ferdinand Marcos Jr. na nagdedeklara ng state of national energy
emergency.
Kinuwestiyon ni Aquino ang desisyon na hindi isama ang
deklarasyon ng price freeze, at sinabing isa ito sa mga dahilan kung bakit siya
nanawagan noon ng pagdedeklara ng state of national emergency.
Hindi naman naipaliwanag ng mga undersecretary at assistant
secretary ng DEPDev, Department of Energy, at Department of Finance kung bakit
hindi nagdeklara ang pamahalaan ng mas malawak na state of emergency na
magbibigay-daan sa pagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento