Nakatakdang tatanggap
ng ayuda mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manggagawa,
lalo na sa sektor ng transportasyon na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.
Nakatakda
itong simulan matapos ang Semana Santa.
Ayon sa DOLE,
nasa humigit-kumulang ₱1.2 bilyong ayuda ang ipapamahagi para sa mga apektadong
manggagawa ng biglang pagsipa sa presyo ng langis.
Kasabay nito,
pinag-aaralan din ng ahensya ang pagpapatupad ng tulong sa pamamagitan ng
TUPAD. Layunin ng programang ito na mabigyan ng oportunidad ang mga driver na
magpatuloy sa kanilang ruta habang tumatanggap ng sahod na katumbas ng regional
minimum wage.
Ang naturang
programa ay tatagal mula 10 hanggang 90 araw at nakatuon sa mga displaced at
marginalized workers. Posible ring maisama ang mga tricycle drivers at
konduktor sa makikinabang sa ayuda.

0 Mga Komento