Kinumpirma ng Supreme Court (SC) na diringgin nito ang petisyon para i-review ang desisyon ng Commission on Elections na nag-abswelto kay Senator Francis "Chiz" Escudero kaugnay ng ₱30-milyong campaign donation noong 2022.
Nag-ugat ang kaso sa donasyon ni Lawrence Lubiano, president ng Centerways Construction, na isang major government contractor.
Sa ilalim ng batas, bawal tumanggap ng pondo mula sa mga may kontrata sa gobyerno.
Una nang ibinasura ng COMELEC ang reklamo dahil ibinigay umano ang pera sa "personal capacity" ni Lubiano at hindi sa ngalan ng kumpanya. Gayunpaman, kinuwestiyon ito ng petitioner na si John Barry Tayam, sa argumentong ang donor ang may-ari ng nasabing kumpanya.
Welcome naman para kay COMELEC Chairman George Garcia ang hakbang ng Mataas na Hukuman upang magkaroon ng malinaw na basehan sa mga katulad na kaso sa hinaharap.
0 Mga Komento