PRESYO NG BIGAS, POSIBLENG PUMALO SA ₱70 KADA KILO DAHIL SA KRISIS SA MIDDLE EAST



Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) na posibleng umabot sa ₱70 kada kilo ang presyo ng bigas sa ‘worst-case scenario.’
Ang banta ay bunsod ng tumitinding tensyon sa Middle East na nagpapataas sa presyo ng langis at gastos sa logistics.
Sa kasalukuyan, may naiulat nang kalse ng bigas na umaabot ang presyo sa ₱65 hanggang ₱70 ang bawa kilo.
Bilang tugon, inirekomenda ng National Price Coordinating Council ang pagpapatupad ng ₱50 price cap sa imported na bigas upang mapigilan ang pagsasamantala sa presyo.
Tiniyak naman ng DA na sapat ang suplay ng bigas sa bansa dahil sa kasalukuyang panahon ng anihan at patuloy na pag-angkat.
Pinapalawak din ang programang nagbebenta ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo para sa mga nangangailangang sektor.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito