NAMATAYAN NA, PINAGNAKAWAN PA!


 

Isang lalaki ang nahuli sa CCTV habang nagnanakaw sa loob ng isang punerarya sa Puerto Princesa.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente habang tulog ang lahat ng nasa loob ng establisyemento.

Agad naman itong sinamantala ng suspek upang maisagawa ang kanyang krimen.

Sinasabing dumating ang lalaki sakay ng motorsiklo at dahan-dahang pumasok sa funeral home matapos matiyak na tulog ang mga nasa loob.

Makikita sa CCTV footage na ilang sandali lamang ang itinagal ng suspek sa loob bago ito lumabas na may dalang bag na naglalaman ng tatlong cellphone at pera.

Kapansin-pansin din ang pagiging kalmado ng suspek sa kabila ng kanyang ginawa. Sa halip na magmadali, huminto pa ito upang uminom ng softdrinks at kumuha pa ng ilan bago tuluyang umalis sa lugar.

Dahil malinaw na nakunan ng CCTV camera ang mukha ng suspek, agad siyang natukoy ng mga awtoridad. Lumalabas din sa imbestigasyon na mayroon na itong naunang rekord ng pagnanakaw.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang hakbang ng mga awtoridad upang mapanagot ang suspek sa kanyang krimen.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito