“NO COLLECTION POLICY” SA GRADUATION, IPINAIRAL NG DEPED SA WESTERN VISAYAS

 


Mahigpit na ipinatutupad ng Department of Education (DepEd) ang “No Collection Policy” para sa graduation at end-of-school-year ceremonies ng School Year 2025–2026 sa Western Visayas.

 

Batay sa DepEd Memorandum No. 015, series of 2026, ipinagbabawal ang paghingi ng mandatory fees mula sa mga estudyante at magulang upang matiyak na walang mapipigilang dumalo sa graduation dahil sa kakulangan ng pera.

 

Ang lahat ng gastusin sa seremonya ay dapat kunin sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng paaralan. Hindi rin pinapayagan ang mga guro, principal, o opisyal ng paaralan na mangolekta ng kontribusyon para sa graduation activities.

 

Pinapayagan lamang ang boluntaryong donasyon mula sa alumni o benefactors.

 

Samantala, hinihikayat din ng DepEd ang mga paaralan na magsagawa ng simple ngunit maayos na seremonya upang maiwasan ang labis na gastos.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito