PRICE CAP SA LPG IPINANAWAGAN NI SENADOR GATCHALIAN


 

Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) at Department of Trade and Industry (DTI) na ikonsidera ang pagpataw ng price cap sa liquefied petroleum gas (LPG).

 

Matatandaan na nauna nang ibinabala ng LPG Marketers Association (LPGMA) na posibleng unabot sa P1,500 ang presyo ng 11-kilogram LPG tank sa Abril.

 

Kasalukuyang nasa P825 hanggang P1,135 ang presyo nito sa Metro Manila dahil sa tumataas na shipping cost dahil sa limitadong access sa Strait of Hormuz.

 

Sa kabila nito, tinitingnan na imposible ang shortage sa LPG sa mga susunod na buwan.

 

Sa ngayon, pang tugon si Trade and Industry Secretary Cristina Roque at Energy Secretary Sharon Garin sa pahayag ni Gatchalian.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito