PHILHEALTH, TINIYAK ANG TULOY-TULOY NA SERBISYO SA FRONTLINE SA GITNA NG GINAGAWANG PAGTITIPID SA ENERHIYA NG GOBYERNO

 


Siniguro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga miyembro nito na tuloy ang kanilang serbisyo-publiko sa kabila ng ipinapatupad na adjusted work arrangements para sa ilang administrative at back-office na kawani simula March 9, 2026.

Ayon sa PhilHealth, tanging ang mga empleyadong nasa back office ang susunod sa onsite schedule na Lunes hanggang Huwebes na pasok, na may 10 oras na trabaho bawat araw.

Habang, mananatili naman sa normal na limang araw ang pasok ng mga frontline offices at critical operational units upang matiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo sa mga miyembro.

Ang naturang hakbang ng gobyerno ay isang paraan ng pagtitipid sa enerhiya bunsod ng tumataas na presyo ng langis dulot ng nagpapatuloy na gulo sa Middle East.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito