ALAM NIYO BA | ANG KALISKIS NG ISDA AY POSIBLENG MAGING ALTERNATIBO SA HUMAN CORNEA TRANSPLANT

 



 

Isang makabagong discovery ang ginawa ng mga mananaliksik mula sa University of Granada sa Spain matapos silang makabuo ng murang artificial cornea mula sa kaliskis ng isda.

 

Ayon sa pag-aaral, natuklasan ng naturang mga researchers na may kakayahan pala ang kaliskis ng isda na tumulong sa pag-regenerate at pag-aayos ng cornea ng mata. Kung saan, maaari itong magsilbing alternatibo sa tradisyunal na cornea transplant mula sa human donor.

 

Ipinapakita din ng pananaliksik na ang natural na materyal na ito ay madaling makuha, abot-kaya, at mura, dahil nagmumula ito sa mga by-product ng industriya ng pangingisda.

 

Bukod sa potensyal nitong makatulong sa paggamot ng mga sakit sa mata, inaasahan din na makatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapalakas ng sektor ng pangingisda sa lalawigan ng Granada, na kasalukuyang nahaharap sa iba’t ibang hamon at limitasyon.

 

Sa kabuuan, ipinapakita ng pag-aaral ang malaking potensyal ng mga likas na yaman mula sa karagatan upang makatulong sa larangan ng regenerative medicine at sa pagtugon sa mahahalagang pangangailangan sa kalusugan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito