Ipinasiguro ng mga ferry at bus operators na hindi magtataas
ng pamasahe at hindi magbabawas ng biyahe sa nalalapit na Semana Santa.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa
gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Aniya pa prayoridad ng pamahalaan ang kapakanan ng mga
mananakay at middle class habang nararanasan ang krisis sa enerhiya.
Dahil dito nagsasagawa aniya ang pamahalaan ng fuel at cash
subsidies upang suportahan ang mga operator at manggagawa sa transport sector.
Samantala nakatakda namang maglabas ng nasa P2.5 bilyon para
sa fuel subsidies ang pamahalaan sa mga susunod na araw, para sa mga operator
at driver ng ferry, bus, pampublikong transportasyon, at delivery services.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento