Planong imbestigahan ng Department of Energy (DOE) ang
pagsasara ng mahigit 400 fuel stations sa Pilipinas.
Ito ay sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis, kasabay ng pangamba
sa posibleng hoarding at profiteering.
Sa isang pahayag sinabi ni DOE Undersecretary Felix William
Fuentebella na sinusuri ng Oil Industry Management Bureau ang dahilan ng
pagsasara ng 403 gas stations mula sa kabuuang 14,313 sa bansa.
Sakaling mapatunayan na mayroong kaugnayan sa ilegal na
gawain ang mga pagsasara maaaring patawan ng parusa ang mga ito kabilang ang
pagbawi ng certificate of compliance.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento