19 ANYOS NA WRESTLER, BINITAY SA IRAN DAHIL SA PAGSALI SA KILOS-PROTESTA

 


Iniulat na binitay ng Iran ang isang 19-anyos na wrestler at dalawa pang indibidwal dahil umano sa pagkakasangkot sa malawakang protesta.

Ayon sa ulat, ang tatlo ang kauna-unahang binitay mula sa libo-libong naaresto matapos ang mga kilos-protesta noong Enero. Tinatayang mahigit 100 pang indibidwal ang posibleng humarap sa parusang kamatayan.

Ang wrestler na si Saleh Mohammadi, kasama sina Mehdi Qasemi at Saeed Davoudi, ay binitay sa Qom, Tehran matapos hatulan ng kasong “moharabeh” o “pakikidigma laban sa Diyos.” Iniuugnay sila sa pagpatay sa dalawang pulis sa kasagsagan ng protesta sa lungsod.

Bago pa man mangyari ang giyera sa pagitan ng Iran at US-Israel, nagbabala si Donald Trump sa Iran laban sa paghatol ng kamatayan sa mga kalahok sa protesta.

Sa kabila ng umano’y pangako na ihihinto ang mga pagbitay, ipinagpatuloy ng rehimen ang pagbitay sa tatlong kabataan matapos ang sinasabing hindi patas na paglilitis.

Dagdag pa sa ulat, pinaniniwalaang sila ay tinorture at pinilit na umamin bago isinagawa ang pagbitay.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito