Ayon sa DOLE ang April 2 at 3 o Huwebes at Biyernes Santo ay
idineklara bilang regular holiday.
Ang mga empleyado na hindi papasok sa nasabing petsa ay
makakatanggap pa rin ng bayad at double pay naman sa mga magseserbisyo sa
kanilang mga kumpanya
Makakatanggap naman ng karagdagang 30% sa kada oras na
ipagsisilbi ng mga kawani na magtatrabaho ng lagpas sa 8 oras bukod sa hiwalay
na 30% sa double pay na dapat tanggapin kung papatak ito sa kanyang araw ng
pahinga o rest day
Samantala, ang mga magtatrabaho naman sa April 4 o Black
Saturday na isang special non-working day , iiral ang patakarang – no work, no
pay maliban kung may hiwalay na panuntunan sa CBA ng mga manggagawa at kung
papasok naman ay may dagdag na 30% sa unang 8 oras.
May 30% din na dagdag sa bawat oras ng overtime habang may
50% ang karagdagang makukuha ng kawani na papasok sa naturang araw na kanyang
rest day.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento