LALAKING NA-BASTED, PINATAY ANG KANIYANG PINSAN AT 12-ANYOS NA LALAKI

 


Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang isang 18-anyos na lalaki matapos patayin ang kanyang 13-anyos na pinsan at isang 12-anyos na lalaki sa Barangay San Juan, Morong, Rizal.

Una munang iniulat na nawawala ang mga biktima matapos magpaalam na pupunta sa computer shop.

Sa isinagawang search operation, natagpuan ang kanilang mga bangkay na may mga saksak sa katawan.

Kasama pa umano ang suspek sa paghahanap, ngunit napansin ng mga imbestigador ang sugat at bahid ng dugo sa kanyang kamay. Kalaunan ay inamin niya ang krimen at itinuro ang kutsilyong ginamit.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakainom ang suspek nang mangyari ang insidente at sinasabing nag-ugat ito sa pagkabigo niya sa panliligaw.

Nakatakda siyang haharap sa piskal para sa inquest proceedings at pagsasampa ng kaso.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito