'AALIS NA 'KO NG PILIPINAS' - KYLIE PADILLA

 


Pabirong sinagot ni Kylie Padilla ang tanong sa kaniya patungkol sa pagtakbo umano ng ama at senador na si Robin Padilla bilang bise president sa darating 2028 Elections.

Aniya, aalis na lang daw ito ng Pilipinas kung sakaling mangyaring matutuloy sa pagtakbo ang ama nito sa pagka-bise presidente sa susunod na halalan.

"No reaction but aalis na 'ko ng Pilipinas. Aalis na po 'ko ng Pilipinas. 'Yun lang po ang comment. ‘Di, wala lang, ano lang naman. I trust in my father's judgement. 'Yun na lang," dagdag pa niya.

Sa kabila nito, nilinaw namang ng aktres ang kaniyang pahayag na wala itong intensyon na insultuhin ang ama, sa halip ay hangad lamang nito ang mapayapang pamumuhay.

“I only meant that aalis po ako ng Pilipinas kasi gusto ko ng tahimik na buhay. It was not a comment to insult my father because I trust in his judgement and all the good he is doing for this country,” mababasa sa kaniyang Instagram story.

Binigyang-diin pa ng aktres na suportado nito ang ama sa kung ano man ang desisyon nito, ngunit gusto rin nitong magkaroon ng mapayapang buhay.

Matatandaang binanggit ni Sen. Robin Padilla na nakahanda itong tumakbo bilang vice-president kasama ang kasalukuyang bise presidente na si Sara Duterte sa 2028 national elections kung sakaling hihilingin umano ni dating pangulong Rodrigo Duterte. 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito