KAKULANGAN SA JET FUEL MAARING MAGRESULTA SA ‘GROUNDING FLIGHTS’ -PBBM


 

Posible ang ‘grounding flights’ bunsod ng kakulangan sa jet fuel dahil sa nagpapatuloy na epekto ng sigalot sa Middle East.

 

Sa isang pahayag nabanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kapag lumala ang problema, ang paglipad ng mga eroplano palabas ng Pilipinas ay hindi mapapagasolinahan sa ibang bansa at magreresulta ito ng pagdadala ng gasolina papunta at pabalik.

 

Sa kabila nito sinabi rin ni PBBM na sinusubukan ng Pilipinas ang posibilidad ng pagse-secure ng fuel supply mula Russia, itinuturing na non-traditional trading partner ng bansa.

 

Pagdating naman sa kasalukuyang fuel supply ng Pilipinas, sinabi ng Pangulo na “I think we’re doing better than a month in terms of fuel supply — maybe 45 days more or less, depends on diesel or gasoline.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito