Hindi obligado ang mga pribadong paaralan na sundin ang planong three-term school calendar ng Department of Education (DepEd).
Ito ang paglilinaw ni DepEd Secretary Sonny Angara kung saan
mananatiling malaya ang private schools sa pagtakda ng kanilang academic
calendar basta sumusunod sa curriculum at minimum na bilang ng school days.
Dagdag niya, marami na ring pribadong paaralan ang gumagamit
ng three-term setup at hindi naman aniya ito katulad ng trimester system.
Sa ngayon pinag-aaralan aniya ng DepEd ang flexible learning
options para sa private schools tulad ng in-person, work-from-home, o hybrid
setup, lalo na kung may mga posibleng aberya tulad ng pagtaas ng gastos sa
enerhiya.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento