Pinangangambahan ngayon ang posibilidad na pagtaas sa presyo
ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng nagpapatuloy ang sigalot sa Middle East.
Sa isang pahayag sinabi ng Department of Agriculture (DA) na
maaaring tumaas ang presyo ng manok mula P200 hanggang P324 kada kilo.
Kasabay nito, posible ring umakyat ng halos 49 porsiyento
ang presyo ng well-milled rice mula P45 tungong P67 kada kilo.
Nagbabala rin ang DA na hindi lamang nakatuon sa freight at
transport cost ang epektado ng naturang tensyon kundi maging sa presyo ng farm
inputs gayundin sa logistics at input costs.
Sa kabila nito una nang ipinasiguro ng DA na may sapat na
food supply ng bansa hanggang Hulyo sa kabila ng mga hindi tiyak na epekto ng
sigalot sa Middle East.
✍TERESA IGUID
0 Mga Komento