IRAN, NAGBABALA; MGA KOMPANYANG MAY US SHARES, POSIBLENG PUNTIRYAHIN

 


Hindi nagpatinag ang Iran sa umano’y 48-oras na ultimatum ni US President Donald Trump kaugnay sa pagbubukas ng isang mahalagang waterway sa Gitnang Silangan.

Sa pahayag ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC), iginiit ng Iran na hindi sila ang nagsimula ng tensyon, ngunit handa silang ipagtanggol ang kanilang bansa sakaling targetin ng Amerika ang kanilang mga energy facility.

Ayon pa sa IRGC, maaari rin nilang puntiryahin ang mga kompanyang may kaugnayan sa Estados Unidos, partikular ang may mga American shares, bilang tugon sa anumang pag-atake.

“We did not start the war and we will not start it now, but if the enemy harms our power plants, we will do everything to defend the country and the interests of our people,” ayon sa opisyal na pahayag.

Patuloy na binabantayan ng international community ang sitwasyon, lalo na’t ang naturang waterway na Strait of Hormuz ay mahalaga sa pandaigdigang suplay ng langis at kalakalan.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito