Kinumpirma ng
Japan Coast Guard na may isang Chinese marine research vessel na nag-o-operate
sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Japan, west-northwest ng Uotsuri
Island, nitong Lunes.
Ayon sa ulat,
namataan ang naturang barko malapit sa teritoryo ng Japan.
Napansin ng
mga awtoridad na naglalabas ito ng isang kagamitang kahalintulad ng tubo mula
sa magkabilang parte ng barko, pati na rin ng isang wire-like equipment mula sa
hulihan nito papunta sa dagat.
Dahil dito,
agad na nagpadala ng radio warning ang Japan Coast Guard sa Chinese vessel, na
pinaniniwalaang nagsasagawa ng marine scientific research nang walang
pahintulot mula sa Japan.
Patuloy
namang mino-monitor ng coast guard ang aktibidad ng barko, kasabay ng
paulit-ulit na panawagan na itigil ang operasyon nito sa nasabing lugar.

0 Mga Komento