DUMARAMING TRAVEL SCAMS IBINABALA NGAYONG HOLY WEEK

 



Ibinabala ng Scam Watch Pilipinas ang dumaraming travel scams kasabay ng pagsisimula ng Holy Week exodus, kung saan target ang mga Pilipinong naghahanap ng mas murang biyahe.

 

Ayon kay Scam Watch PH co-founder Jocel de Guzman, ang pagtaas ng pamasahe dulot ng mahal na langis ang nagtutulak sa mas maraming Pilipino na maghanap ng diskwento, kaya mas nagiging bulnerable sa panlilinlang.

 

Kabilang sa mga karaniwang modus ang pekeng accommodation na inaalok sa mababang presyo ngunit hindi naman totoo. Pinapayuhan ang mga biyahero na mag-book lamang sa mga verified platforms at direktang makipag-ugnayan sa hotel bago magbayad.

 

Nagbabala rin ang grupo laban sa fake Wi-Fi hotspots sa mga airport, hotel, at tourist areas na ginagamit upang makuha ang personal at banking information ng mga gumagamit.

 

Dahil dito hinimok nito ang publiko na iwasan ang madaliang pagbabayad, pagberipika ng mga alok, at pag-report ng kahina-hinalang transaksyon sa national anti-scam hotline 1326.

 

✍TERESA IGUID

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito