Labis ang pagdadalamhati ng isang ama matapos bawian ng buhay ang kanyang tatlong anak na pawang menor de edad sa India.
Ayon sa mga ulat, ang tatlong magkakapatid ay tumalon mula sa ika-siyam na palapag ng isang gusali sa Ghaziabad, Uttar Pradesh, India noong Huwebes ng umaga, Pebrero 4, 2026.
Batay sa imbestigasyon, sinasabing nag-ugat ang insidente matapos pagbawalan ng ama ang mga bata sa paggamit ng cellphone, kung saan naroon ang kanilang kinahuhumalingang Korean online gaming app.
Napag-alaman na labis umano ang naging pagkaadik ng magkakapatid sa kulturang Koreano—gumagamit na rin sila ng mga Korean na pangalan at huminto na sa pag-aaral—dahilan upang magdesisyon ang kanilang ama na limitahan ang paggamit nila ng cellphone.
Gayunman, matapos ang insidente, isang suicide note ang natagpuan sa mga gamit ng magkakapatid na nagpapahiwatig ng kanilang matinding pagkahumaling sa kulturang Koreano. Sa liham, binanggit nila ang kanilang paghingi ng paumanhin sa ama at ang umano’y hindi nila pagpayag na talikuran ang kanilang kinahihiligan.
“Papa, sorry,
Korea is our life, Korea is our biggest love, whatever you say, we cannot give
it up. So we are killing ourselves.
“You tried to
distance us from Koreans, but now you know how much we love Koreans.”
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
0 Comments