MAGKAKAPATID SA SILAY CITY, HINAMPAS NG BATO; 1 PATAY, 2 KRITIKAL SA OSPITAL

 


Patay ang isa sa magkakapatid habang kritikal sa ospital ang dalawa matapos silang hampasin ng bato sa loob ng kanilang bahay sa Hacienda Badiang, Barangay E-Lopez, Silay City nitong Biyernes, February 6.

Ayon sa ulat, pawang mga menor de edad ang mga biktima kung saan binawian ng buhay ang 9-anyos na batang babae at nananatili naman sa ospital ang 14-anyos na batang babae at 4-anyos na batang lalaki.

Sinasabing wala ang mga magulang ng mga bata ng mangyari ang insidente at natagpuan na lamang sila ng kapatid ng kanilang ama na duguan.

Nadatnan ng isang kapitbahay ang karumal-dumal na sinapit ng mga bata kung saan nakabukas ang isang butones at zipper ng 14-anyos na babae habang nakadapa sa kaniya ang 9-anyos na kapatid.

Batay sa imbestigasyon, walang motibo ng pagnanakaw sa insidente habang mayroon nang tinututukan na person of interest ang mga pulisya.

Sa ngayon ay naglabas na ng P25,000 na reward si Silay City Mayor Joedith Gallego sa sinumang makakapagturo sa suspek kaugnay ng insidente sa tatlong magkakapatid.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog