Nagbabala ang
Immaculate Conception Parish, Gatchalian sa Las Piñas City ukol sa isang uri ng
“Novena” na iniiwan sa loob ng simbahan.
Ayon sa Parokya,
ang naturang klase ng “Novena” ay hindi aprubado ng simbahan matapos
madiskubreng may halo itong pamahiin o superstition.
Sinabi pa ng
simbahan na mayroong nakasulat na “Make (81) Copies”, isang malinaw na indikasyon
ng pamahiin.
Kung kaya’t
nagbabala ang naturang Parokya na may dulot na panganib ang nasabing uri ng “Novena”
kung saan, nilalabag nito ang Unang Utos o First Commandment na nagsasaad na
ang sinumang maniwala o umasa sa pamahiin ay nagkakasala.
Dagdag pa
dito, batay sa Exorcistis ang
paniniwala at pakikiayon sa mga pamahiin ay maaaring maging “opening” o pintuan
sa tinatawag na demonic influence o demonic attachment, na maaaring makapinsala
sa espiritwal na kalagayan ng isang tao.
Dahil dito,
hinikayat ng Parokya ang publiko sa sinumang makakakita sa naturang “Novena” sa
loob ng simbahan ay agad kunin at sunugin.
Bagama’t
nilinaw ng simbahan na hindi masama ang novena, ngunit kung ito ay hahaluan ng
mga paniniwala at bagay na labag sa pananampalataya, ito umano ay nagiging
masama.


0 Comments