TATLONG ESTUDYANTE, PATAY SA PAG-HYPNOTIZE NI PRINCIPAL

 


Isang kontrobersyal na insidente ang naganap sa North Port High School sa North Port, Florida na kinasasangkutan ng dating principal na si George Kenney.

 

Ayon sa mga ulat, mahigit 70 estudyante at ilang guro ang sumailalim sa hypnosis sessions na isinagawa ni Kenney, kahit wala siyang lisensya bilang propesyonal na hypnotherapist. May ilan na nagsabing nakatulong umano ito sa pagpapabuti ng kanilang academic at athletic performance.

 

Gayunpaman, tatlong high school students na sumailalim sa nasabing sessions ang namatay sa loob lamang ng ilang linggo matapos ang hypnosis. Kabilang sa mga ito sina Wesley McKinley, Marcus Freeman, at Brittany Palumbo.

 

Ipinahayag ng ilang magulang na may malaking pagbabago sa asal at pag-iisip ng kanilang mga anak matapos ang hypnosis. Ayon sa kanila, tila naging “zombie” umano si McKinley, habang si Palumbo naman ay nagkaroon ng memory lapses at nawalan ng gana sa buhay.

 

Mariing itinanggi ni Kenney na may kinalaman siya sa mga pagkamatay. Sinabi rin niyang hindi niya alam na maaaring maging mapanganib ang hypnosis sa mga taong may depresyon o iba pang mental health conditions, at inamin na hindi siya nagsasagawa ng medical o psychological screening bago ang sessions.

 

Upang maiwasan ang mas mabigat na parusa at mapanatili ang kanyang retirement benefits, umamin si Kenney sa kasong misdemeanor na practicing therapeutic hypnosis without a license. Siya ay hinatulan ng probation at community service.

 

Noong 2015, nagbayad ang school district ng tig-$200,000 na settlement sa pamilya ng bawat biktima.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito