VP SARA MAY RUNNING MATE NA SA 2028 POLLS


 

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na mayroon itong ni-recruit noong nakaraang taon para maging running mate niya sa 2028 elections.

 

Sa kabila nito tumanggi naman ang bise presidente na ibigay ang pangalan nito para protektahan aniya ang naturang indibidwal.

 

Matatandaan na kamakailan lamang inanunsyo rin ni Duterte ang kanyang pagtakbo bilang pangulo sa 2028 elections.

 

Aniya, hindi pa nito sinasabi sa kaniyang ama ang planong tatakbo siya bilang pangulo at ang mga abogado pa ng dating Presidente Duterte ang nagpaalam sa kaniyang naging deklarasyon.


TERESA IGUID


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito