MONGOLIAN NATIONAL, NASAKOTE DAHIL SA PAG-EESPIYA

 


Arestado ang isang Mongolian national matapos siyang ituring bilang “undesirable alien” bunsod ng umano’y banta nito sa seguridad at “public interest.”

Ayon sa ulat, si Boldbaatar Bold-Erdene, 30 taong gulang, ay isang graduating pilot student at hinihinalang may kaugnayan sa gobyerno ng China.

Sa gitna ng flight exercises, namataan si Boldbaatar na nagsasagawa ng aerial photography sa Iba Airport at sa Palauig River dahilan na nababahala ang mga awtoridad sa posibilidad na siya ay isang espiya.

Dahil dito, nagpahayag ang Bureau of Immigration (BI) na hindi nila papayagang makalusot ang isang dayuhan o sibilyang maaaring magdulot ng kapahamakan sa bansa.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito