Pinag-aaralan
ngayon ng House of Representatives ang panukalang dagdag na ayuda para sa mga
benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Ayon kay
House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos,
kasalukuyang sinusuri ng House Committee on Appropriations ang kinakailangang
pondo para sa mga panukala kaugnay ng programa.
Nauna nang
inaprubahan ng House Committee on Poverty Alleviation, na pinamumunuan ni
dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, ang substitute bill na
naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 11310 o ang 4Ps Law.
Sa ilalim ng
panukala, itataas ang buwanang cash grant para sa mga anak ng 4Ps
beneficiaries:
• P500 para
sa daycare at elementarya (mula P300)
• P700 para
sa junior high school (mula P500)
• P900 para
sa senior high school (mula P700)
Ang cash
grants ay ipagkakaloob sa loob ng 10 buwan bawat taon.
May
karagdagang P400 kada buwan para sa mga batang may kapansanan bilang suporta sa
kanilang medikal na pangangailangan.
Iminumungkahi
rin ang pagtaas ng taunang health grant sa P1,800 mula P750, gayundin ang
pagbibigay ng P1,100 Food and Nutrition Cash Grant.
Kasama rin sa
panukala ang First 1,000 Days (F1KD) cash grant na P400 kada buwan para sa mga
batang edad 0 hanggang 2 taong gulang, na itinuturing na kritikal na yugto ng
child development.
Sa ilalim ng
bagong panukala, ang pagrepaso sa cash grants at resulta ng programa ay
isasagawa na kada tatlong taon, sa halip na kada anim na taon.
Ang
substitute bill ay naipasa na sa House Committee on Appropriations upang
matiyak ang regular at sapat na pondo para sa mga iminungkahing dagdag na
benepisyo.

0 Comments