Patay ang
isang kandidata ng Miss Philippines Earth 2013 matapos barilin sa loob ng
kaniyang sasakyan sa Isabela nitong Biyernes, February 13.
Ayon sa ulat,
ang 32-anyos na dating Miss Philippines Earth 2013 runner-up na si Lullete Jane
Ramilo ay nagtamo ng mga tama ng baril sa mukha at bahagi ng katawan nito.
Sinasabing
kasama ni Ramilo ang mga anak habang naghihintay na mabuksan ng kaniyang ama
ang gate ng kanilang bahay nang bigla nalang itong pinagbabaril ng hindi pa
nakikilalang gunman.
Matapos ang
insidente ay mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo ang mga suspek.
Ligtas naman
sa pamamaril ang mga bata ngunit nagdulot ito ng trauma sa kanila.
Matatandaang,
tinanghal na 3rd runner up ng 2013 Miss Philippines–Earth pageant at
umani ng mga special awards si Lullete Jane Ramilo.

0 Mga Komento