MALING EMERGENCY CALL, NAGING DAAN SA PAGRESOLBA NG REKLAMO SA KOMUNIDAD SA INDIA

 


 

Matagumpay na naaksyunan ang isang problemang matagal nang inirereklamo ng mga residente sa India matapos ang isang kontrobersyal na insidente.

 

Isang babae mula sa Meerut, Uttar Pradesh ang gumawa ng false emergency call kung saan sinabi niyang may isang batang nahulog umano sa isang drainage canal. Dahil dito, agad na rumesponde ang mga awtoridad at sinimulan ang malawakang paglilinis ng barado at maruming kanal upang hanapin ang sinasabing bata.

 

Umabot ng halos tatlong oras ang operasyon kung saan gumamit ng mabibigat na makinarya tulad ng excavator o JCB, kasama ang ilang manggagawa, upang masusing halughugin at linisin ang drainage.

 

Sa kalaunan, napag-alamang walang batang nawawala at ang insidente ay isa lamang palang prank call. Inamin ng babae na siya ang may pakana nito dahil sa umano’y desperado na ito sa kawalan ng aksyon ng mga awtoridad sa matagal na nilang reklamong maduming kanal sa kanilang lugar.

 

Bagama’t marami ang humanga at tumawag dito bilang isang “smart move” dahil nalinis ang drainage, haharap pa rin ang babae sa kaukulang legal na aksyon dahil sa maling paggamit ng emergency services.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog