Nasagip ng
mga awtoridad ang isang 14-anyos na babae mula sa planong child marriage sa
Sitio Datal Bila, Barangay Tudok, T’boli, South Cotabato.
Ayon sa
Philippine National Police (PNP), nakatanggap sila ng ulat mula sa isang
paaralan hinggil sa isang menor de edad na sapilitang pinadalo sa isang
pamamanhikan kasama ang isang 19-anyos na lalaki.
Agad na
rumesponde ang mga awtoridad at nailigtas ang menor de edad. Ipinaliwanag ng
PNP na mahigpit na ipinagbabawal ang child marriage sa ilalim ng Republic Act
11596.
Isinailalim naman
ang biktima sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office
para sa psychological support at iba pang intervention services.
Ayon kay PNP
Chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., patunay ang operasyon ng mahigpit na
pagpapatupad ng batas upang maprotektahan ang mga menor de edad.

0 Comments