Viral sa social media ang vlogger na si Girl Tapang matapos ibahagi ang kaniyang kinikita bilang isang content creator.
Sa isang post, ibinunyag ni Girl Tapang na umaabot sa $9,594 ang kaniyang kita mula sa pagpo-post ng mga online content, bagay na labis niyang ipinagpapasalamat.
Ibinahagi rin
niya na bago pa man pasukin ang mundo ng vlogging, pangarap niyang makapagtapos
ng kolehiyo at maging isang flight attendant. Gayunman, pinayuhan siya ng
kaniyang kuya na si Boy Tapang na samantalahin muna ang kaniyang online
momentum.
“Buti na lang talaga nakinig ako sa payo ni Kuya,” saad niya sa post.
Ayon pa sa
kanya, sinabi ng kaniyang kuya na mag-focus muna siya sa vlogging habang
malakas pa ang kaniyang online reach, at maaari naman niyang ipagpatuloy ang
pag-aaral kapag humina na ang kaniyang vlog.
“Kung humina
na raw ang vlog, saka ko na daw ipagpatuloy ang pag-aaral. Kaya salamat, Kuya.
Kung minaliit ko ang payo mo dati, ngayon naiintindihan ko na,” dagdag niya.




0 Comments