MAYROON PA LANG BULAKLAK NA ANG TAWAG AY "KANTUTAN"?

 


ALAM NIYO BA | Ang Paederia foetida, na mas kilala sa tawag na “Kantutan” o stinkvine, ay itinampok bilang Plant of the Month ng Makiling Botanic Gardens ngayong Pebrero 2026 sa Pilipinas.

Ang “Kantutan” ay isang baging na kabilang sa pamilya ng kape (Rubiaceae). Mayroon itong hugis-pusong mga dahon at kulay-lilang mga bulaklak. Bagama’t naglalabas ito ng mabahong amoy na kahawig ng asupre kapag dinurog ang mga dahon, kilala naman ito sa iba’t ibang pakinabang, lalo na sa tradisyunal na panggagamot.

Ayon sa MBG, maaaring pakuluan ang halaman at idagdag sa noodles o sopas. Ginagamit din ito sa tradisyunal na medisina bilang lunas sa lagnat, kagat ng ahas, pananakit ng ngipin, diarrhea ng mga bata, pamamaga ng atay, rayuma, gout, at iba pang karamdaman.

Dahil sa pagkilala ng MBG ngayong Pebrero, binigyang-diin ang kahalagahan ng Kantutan bilang isang native na halaman na bahagi ng biodiversity ng bansa. Matatagpuan din ito sa ibang mga bansa sa Asya tulad ng India at Japan.

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito