Inirereklamo
ng 40-anyos na driver sina Michelle Dee at Rhian Ramos dahil sa umano’y pambubogbog
at illegal detention.
Ayon kay Bonifacio
Baro, driver at personal assistant ni Rhian, personal siyang tumungo sa tanggapan
ng National Bureau of Investigation (NBI) upang magsumite ng kaniyang reklamo
laban sa dalawang aktres.
Idinawit din
ni Baro ang dating beauty queen na si Samantha Panlilio.
Noong Enero
17, kinulong umano si Baro sa condominium unit nina Rhian at Michelle ng
tatlong araw.
Nagtangka
itong tumakas ngunit nakita siya ng officer-in-charge ng condominium building
at ng bodyguards.
Dinala raw si
Baro sa Makati Police, at dito siya sinampahan ni Michelle ng reklamong
qualified theft.
Pero
ibinasura ito ng Makati City Prosecutor’s Office makalipas lamang ang tatlong
araw kaya nakalaya si Baro noong Enero 22.
Ayon naman kay
VACC President Boy Evangelista, nasa apat hanggang lima umano ang sangkot sa insidente
kung saan tatlo rito ang aktres na sina Rhian at Michelle, at ang dating beauty
queen na si Samantha.
Sa isang
panayam, sinabi ni Baro na inakusahan siyang nagnakaw ng mga pribadong larawan
ng aktres dahilan na binugbog siya ngunit mariin niya itong itinanggi.
Hindi naman ipinaalam
ni Baro kung sino sa dalawang aktres ang tinutukoy nito.
Dagdag pa
rito, isinalaysay naman ni Baro ang mga ginawa sa kaniya kung saan pinarusahan
ito, hinubaran, at binuhusan pa ng alcohol.
Nasaksihan
din mismo ng dalawang bodyguards ni Rhian ang pananakit sa kaniya.
Samantala, itinanggi
naman ng kampo nina Rhian at Michelle na may nangyaring illegal detention dahil
nangyari umano ang insidente sa condo unit na tinutuluyan ni Baro bilang driver ni Rhian.
0 Comments