CHINA, BINITAY ANG 11 MIYEMBRO NG MYANMAR SCAM MAFIA

 


Ibinitay na sa China ang 11 miyembro ng pamilya Ming matapos patawan ng parusang kamatayan noong Setyembre.

 

Ang naturang miyembro ng pamilya Ming ay itinuturing na isang notorious crime clan na nasa likod ng multibillion-dollar scam operations sa Myanmar.

 

Sa hatol ng korte, napatunayan na nagkasala ang mga akusado sa iba’t ibang kaso, kabilang ang pagpatay, illegal detention, panloloko, at pagpapatakbo ng ilegal na pasugalan.


Ayon sa mga ulat, kontrolado ng pamilyang Ming ang bayan ng Laukkaing sa Myanmar, na ginawa nilang sentro ng mga casino, online scams, at sex trade.


Noong 2023, tuluyang bumagsak ang kanilang imperyo matapos silang arestuhin ng mga lokal na militia na sumakop sa Laukkaing sa gitna ng digmaang sibil sa Myanmar, bago sila isuko sa pamahalaan ng China.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog