Maituturing
na isang “horror experience” ang naging byahe ng isang netizen patungong El
Nido, Palawan.
Sa isang post
ni Nini Jess, ibinahagi niya ang kaniyang karanasan at pagkabahala sa naging
byahe nito sa El Nido, Palawan.
Aniya, simula
pa lang ay dismayado na ito ng halos dalawang oras siya naghintay sa pag-alis
ng van. Sa halip kasi na alas-5:00 ng hapon ang byahe nito ay bandang alas-7:00
ng gabi na ito nakaalis.
Dagdag pa
rito, tila kumulang sa espasyo ang naturang van dahil sa itinali na sa harap ng
sasakyan ang mga bagahe ng ilang pasahero.
Makalipas ang
humigit-kumulang 15 minutong biyahe, napansin na umano ang sobrang bilis at
delikadong pagmamaneho ng driver nito.
Sinubukan
naman ng ilang pasahero na paalalahanan ang drayber na bagalan ang pagmamaneho
ngunit hindi naman ito sinunod.
Dahil dito,
maraming mga pasahero ang nangangamba at natatakot sa bilis ng pagmamaneho ng
drayber.
Mas naging
mapanganib pa ang ikalawang bahagi ng byahe bunsod ng makapal na hamog.
Pero tila
hindi ito inalintana ng drayber at patuloy pa rin sa pagmamaneho ng mabilis.
Bagama’t
nakarating sila ng ligtas sa El Nido, sinabi ni Nini Jess na hindi siya
natutuwa sa kaniyang naging byahe.
Samantala,
wala pang pahayag ang driver at travel company sa naturang insidente.

0 Comments