Nanguna sa top trending status sa X (dating Twitter) ang Kapamilya actress na si Belle Mariano dahil sa hashtag na #BELLEINAKLAN kasunod ng kanyang pagbisita sa lalawigan ng Aklan.
Dumating si Mariano noong Enero 14 kasama ang ilan pang Kapamilya stars para sa isang nakatakdang public appearance.
Agad silang dinumog ng mga Aklanon at tagahanga na sabik na masilayan ang mga artista, dahilan upang maging masigla at makulay ang pagtanggap sa kanila.
Umani rin ng atensyon sa social media ang pagbisita ng mga kilalang personalidad, kung saan kumalat ang mga larawan at video na nagpapakita ng mainit na suporta at tuwa ng kanilang mga fans.
Ang naturang aktibidad ay kasabay ng taunang selebrasyon ng Ati-Atihan Festival, isa sa pinakakilalang pista sa bansa, na lalo pang nagdagdag sa kasiyahan at sigla ng okasyon.

0 Comments