Agaw-atensyon ang selebrasyon ng kaarawan ni Lola Juling sa Argao, Cebu dahil sa napaka-engrandeng handaan na inihanda para sa kaniyang ika-85 kaarawan.
Nagulat at
namangha ang mga bisita sa dami ng pagkaing inihain, kabilang ang mahigit 20
lechon baboy, apat na inihaw na baboy, at isang lechon baka.
Ayon sa mga
dumalo, tila bumaha ang pagkain hindi lamang sa bakuran ng bahay ni Lola Juling
kundi maging sa mga kalapit na kalye.
Hindi lamang
mga bisita ang nabusog sa handaan, kundi pati na rin ang mga kapitbahay at
residente ng mga karatig-barangay, na inanyayahang makisalo sa selebrasyon.
Marami rin sa
kanila ang nakapag-uwi pa ng pagkain para sa kanilang mga pamilya, dahilan
upang maging usap-usapan ang bonggang pagdiriwang sa lugar.




0 Comments