NAWAWALANG 15-ANYOS NA DALAGITA, BRUTAL NA PINATAY SA VALENCIA CITY

 


Isang kalunos-lunos na krimen ang yumanig sa Valencia City, Bukidnon matapos matagpuang patay ang isang 15-anyos na dalagita sa isang plantasyon ng tubo sa Barangay Dagat Ki Davao noong Enero 8, 2026.

 

Ayon sa mga awtoridad, pinugutan ng ulo ang biktima, dahilan upang ilarawan ang insidente bilang isang karumal-dumal na pagpatay. Natagpuan ang kanyang bangkay sa isang masukal na bahagi ng gubat, habang ang ulo nito ay nadiskubre ilang metro ang layo mula sa katawan.

 

Kinilala ang biktima na si Jennifer Encarnacion, na nauna nang iniulat na nawawala noong Enero 6, 2026.

 

Mariing kinondena ni Valencia City Vice Mayor Cecil Galario ang insidente at nag-anunsyo ng ₱200,000 cash reward para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyong makatutulong sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng suspek.

 

Sa kasalukuyan, patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad at ang pangangalap ng ebidensiya upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng biktima.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog