Viral ang
isang pastor sa South Africa sa kakaibang paraan nito ng pagpapagaling.
Makikita sa
viral nitong larawan, inupuan ng naturang pastor ang mukha ng isang indibidwal at
tsaka maglalabas ng utot.
Ayon sa mga
ulat, tinatawag itong “fart healing” na pinaniniwalaang nakakapagpagaling.
Maraming
nagsasabi na inuututan niya ang mga tao, bagay na pinabulaanan ng pastor.
“I don’t fart
on people -I heal people," ani Pastor Christ Penelope ng SevenFold Holy
Spirit Ministries sa Siyandini Village sa Giyani, Limpopo, South Africa.
Dahil dito,
dinagsa ng mga tao ang simbahan upang personal na masaksihan ang unorthodox
pastor.
Giit ng
pastor, ang ginagawa nito, “is not by flesh but by faith”. Aniya pa, sa tuwing
umuupo siya sa kaniyang mga tagasunod, wala umano silang nararamdamang sakit
dahil sa Holy Spirit.
Gayunman,
ayon sa science, walang ebidensya na ang “human gas” ay may pisikal o
espiritwal na healing effect. Sa halip, ito ay isang normal na waste gas mula
sa digestive system, at hindi napatunayan na nakagagamot ng sakit.
Subalit, sa
kabila ng kontrobersiya, may mga tagasunod pa ring naniniwala at handang
maghintay nang matagal para “mapagaling.”
May ilan pa
raw na nagkokolekta ng fart sa container na parang “banal na relic.”

0 Comments